Tamaraw Sinuwag ang Eagles
Jomari Tasani
Nasikwat ng Far Eastern University Tamaraws ang tagumpay matapos pulbusin ang mga naglalakihang manlalaro ng Ateneo De Manila Unuversity Eagles, 66-61 marka sa ikawalang round ng UAAP season 78 Mens Basketball na idinaos sa Smart Araneta Coliseum, ika-11 ng oktubre, taong kasalukuyan.
Sa pagkapanalong ito, bumandera ang FEU Tamaraws sa liga bitbit ang 7-1 kartada habang bumulusok naman ang ADMU Eagles matapos matikman ang kanilang ikaapat na pagkabigo sa naturang liga.
Nagpamalas ng dekalibreng paglalaro ang Tamaraws gamit ang malupit na taktika at depensa . Tikas at liksi ang naging puhunan ng bawat isa upang masulot ang panalo. Pinangunahan ni Mak Belo matapos makapagtala ng kabuuang 12 puntos tulong ng kombinasyon ni Russel Escoto at Roger Pogoy na parehong nag-ambag ng 10 puntos.
Di nagpatinag ang tropa ng mga Tamaraw hanggang sa huling yugto ng laro. Nagpakawala ng sunud-sunod na tres upang umabante sa laban. Pilit mang humahabol ang Eagles patuloy parin sa panunuwag Tamaraws at mas lalong nanibasib ang bangis upang wakasan na ang laban.
Pinamunuan naman ni Kiefer Ravena ang Eagles matapos tumirada ng kabuuang 15 puntos kasama si Wong na lumikha ng 14 puntos para sa tropa.
Di magkamayaw ang mga FEU Tamaraw Fans nang masungkit ang pagkapanalo. Ngayon any puntiryado nilang makapasok sa finals at masungkit ang kampeonato. Sa puntong ito, patuloy ang kanilang pag-eensayo para sa susunod nilang laban.
BOX SCORES
FEU 66 - Belo 12, Ru. Escoto 10, Pogoy 10, Tolomia 8, Iñigo 7, Tamsi 6, Dennison 4, Arong 3, Jose 2, Orizu 2, Trinidad 2,
Ri. Escoto 0, K. Holmqvist 0.
ATENEO 61 - Ravena 15, Wong 14, Pessumal 8, Gotladera 7, Black 6, Ikeh 6, Babilonia 3, A. Tolentino 2, Apacible 0, Cani 0, Capacio 0, Ma. Nieto 0, V. Tolentino 0.
Quarters: 19-19, 30-32, 47-47, 66-61