Sin Tax Bill, aprobado na
Franz Embudo
Inaprubahan na ang House Bill 5727 o mas kilala sa tawag na Sin Tax Bill noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ang batas na ito ay naglalayong itaas ang ipinapataw na ‘excise tax’ sa alak at sigarilyo o yung tinatawag na ‘sin products’.
Layunin din ng batas na mabawasan ang bilang ng mga Pilipinong naninigarilyo at umiinom ng alak at makalikom ng mas maraming pondo para sa healthcare ng bansa.
Ayon sa tala ng Department of Health (DOH), ang Pilipinas ang may pinakamaraming bilang ng naninigarilyo sa buong Timog Silangang Asya na tinatayang 17.3M.
Sinasabing nasa 1073 sticks ng sigarilyo ang nakokonsumo ng isang tao sa loob ng isang taon. Ito ang bunga ng napakababang presyo ng alak at sigarilyo sa ating bansa.
Samantala, batay na rin sa datos, 71% ang namamatay dahil sa lung cancer na dulot ng sigarilyo habang pumapatak sa 10 Pilipino ang namamatay bawat oras dahil sa paninigarilyo.
Kaya nakikitang sagot dito ang Sin Tax Bill, ang 10% dagdag sa buwis ng sigarilyo ang susupil sa nakalululang bilang ng naninigarilyo na magbibigay daan upang mabawasan ang mga namamatay dahil dito.
Kung susuriin, malaking impak sa mga naninigarilyo sa bansa ang pagsasabatas ng Sin Tax Bill.