top of page

Kapag Trapik Lang May Forever

Yvonne Fernandez

 

Araw-araw, trapik ang karaniwang problema ng isang Pilipino, mayaman man o mahirap. Ayaw natin sa trapik at sa kahit anong salitang kapareho ng ibig sabihin nito. Sa kahit sino ang tumira dito sa Pilipinas o kahit bumisita man lang, paniguradong isa sa mga hindi nila malilimutan ang trapik partikular na sa mga lungsod ng Quezon, Maynila at Makati. Ang mga pangunahing daanan maging ang mga alternatibong ruta ay trapik pa rin. Kaya ang trapik dito sa ating bansa ay naging isa ng napaka-laking problema at maging ang ekonomiya ng bansa ay naaapektuhan na rin. Ano nga ba ang giinagawa ng gobyerno para masolusyunan ito?

 

Hindi natin malilimutan ang ginawang pagbanggit ni Dan Brown – isang kilalang manunulat sa buong mundo – sa kanyang librong “Inferno” dhail tinawag niya ang Maynila nga “Gates of Hell” dahil sa napaka-tinding trapik. At kailan lang, sa ginawang survey ng Waze, isang GPS-app, tinagurian ang Pilipinas bilang bansa na may “worst traffic on Earth.”

 

Sa ginawang pagtatala ng Land Transportation Office (LTO) noong taong 2013, umabot sa 2,101,148 na ang mga rehistradong sasakyan sa bansa at pagdating ng 2015 nasa 2.5 milyon na ito ngunit sa Maynila pa lamang ang mga datos na nabanggit. Ayon naman sa Japan International Cooperation Agency (JICA), sa pagsapit ng taong 2030 maaaring kada araw ay mawalan tayo ng P 6 bilyon dahil sa lumalalang kaso ng trapik.

 

Ang JICA ay nagbigay ng suhestiyon sa pamahalaan na tinawag na “Dream Plan” kung saan naglalaman ito ng mga proyekto na siyang magbibigay solusyon sa matagal ng problema ng Pilipinas. At kung sakali mang maaprubahan ito ay kakailanganing maglabas ng gobyerno ng halos P 2.3 bilyon. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naisasagawa.

 

Ang trapik na nakasanayan na nating mga Pilipino ay patuloy na lumalala. Hanggang sa naging kanser na ito ng ating lansangan at wala nang makakapigil pa rito. Sabi nga ng ilang kabataang netizens, “Buti pa sa traffic may forever.”

© 2023 by WRITERS INC. Proudly created with Wix.com

  • facebook-square
  • Twitter Square
bottom of page