top of page

Pinoy boxers bumandera sa California

Jomari Tasani

 

 

Matagumpay na nasungkit ng mga Pinoy boxers ang panalo sa kani-kanilang laban sa naganap “Pinoy Pride 33: Philippines vs. The World” na idinaos sa Stubhub Center Carson, California.

 

Hindi nagpahuli ang mga pinoy pagdating sa pakikipagbakbakan. Nadepensahan ni WBO Junior Flyweight Champion Donnie “Ahas” Nietes ang kanyang titulo matapos magwagi sa pamamagitan ng unanimous decision sa markang 119-109, 119-109, 120-108 kontra kay Juan Alejo, (21-4, 13 KOs).

 

Dumaan sa matinding pag-eensayo si Nietes bago ang laban ito. Naging mahirap ang laban sa kanya sapagkat isa ring beteranong boxer si Alejo. Sa ngayon bitbit parin ng Junior Flyweight Champion ang titulo bilang longest active title holder mula noong 2007.

 

Nakamit din ni Philippines-born Hawaiian-raised super flyweight Bruno Escalante ang tagumpay , (14-1-1, 6 KOs) kontra kay Nestor Ramos, (6-3-1, 2 KOs) ng Mexico sa pamamagitan ngn unanimous decision.

 

Nagpakitang gilas din si Mark Magsayo (12-0, 10 Kos) matapos pabagsakin agad sa unang round ang katunggaling si Yardley Suarez (13-1, 8 KOs) na nakatikim ng unang pagkatalo sa liga. Dahil dito napanatili nya rin ang kanyang titulong IBF Youth featherweight title.

 

Nagpapaulan agad ng mga naglalagablab na suntok si Magsayo at din a hinayaang pang maagaw ang kanyang titulo at sa kalagitnaan ng round, nagpakawala siya ng isang mabigat na left hook dahilan ng pagkabagsak ni Suarez. Pilit mang bumangon ay din nya na nakayanan pa dahil sa sobrang hilo.

 

Wagi rin sina ang magkapatid na Jason at Albert matapos pabagsakin ang kani-kanilang kalaban na sina Sanros Benavides at Gonzales. Napagbagsak ni Albert si Gonzales sa 2:20 ng round six at napatumba naman ni Jason si Benavides sa 2:53 ng round two.

Sa pagkapanalong ito, lubos ang kanilang pasasalmat sa Diyos, pamilya at mga tagasuportang tumulong para sa paghahanda nila sa kani-kanilang laban.

 

© 2023 by WRITERS INC. Proudly created with Wix.com

  • facebook-square
  • Twitter Square
bottom of page