PNoy: Ipasa ang Anti-Dynasty Law
Krizzia Porte
Nais ni Pangulong Benigno Aquino III na ipasa ang anti-dynasty bill. Inihayag ito ng pangulo sa kanyang ikaanim at huling State of the Nation Address sa Batasang Pambansa Complex, Hulyo 27.
"There is something inherently wrong in giving a corrupt family or individual the chance at an indefinite monopoly of public office," hikayat pa ng Pangulo sa Kongreso kung saan marami sa mga miyembro nito ay nabibilang sa political families. Ang pagpasa sa naturang panukala ay magpapahinto sa mga pulitiko na humawak ng kung anong inilarawan ng Malacañang sa isang press briefing na "unli-power."
Sinabi pa ng Pangulo na siya mismo ay sarado sa mga suhestiyon na palawakin pa ang kanyang pamamahala sa tatlong taon.
"The evil sought to be corrected is…the evil is present and we should correct that particular evil," saad ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda sa media.
Bagamat bukas ang Pangulo sa panawagang ipasa ang anti-dynasty bill, ipinunto namang hindi ito kabilang sa mga prayoridad na panukala ng administrasyon.