SONA 2015: Palpak o Palakpak
Crysalie Montalbo
Naganap na ang huling SONA o State of The Nation Address ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na ginanap sa Session Hall of the House of Representatives sa Batasang Pambansa Complex, Quezon City noong ika-27 ng Hulyo, 2015. Kapansin-pansin ang mga suot na damit ng mga nagsipagdalo at siyempre hindi din maiiwasan ang pagkuha ng mga litrato sa isa’t isa. Hindi rin naiwasan ang kaguluhan sa pagitan ng mga aktibista at ng mga militante.
Nagsimula ang talumpati ng Pangulo ng mga bandang alas-kwatro ng hapon. Marami ang nabanggit sa nasabing malawakang pagpupulong at isa na doon ay ang pagbabalik tanaw sa administrasyong Arroyo. Hindi nakatakas ang isyu ng Hello Garci at NBN-ZTE Scandal. Nagkaroon din ng pagtatalakay sa isyu ng edukasyon, kalusugan, ekonomiya at iba pa niyang mga nagawa sa kanyang mahigit limang taong panunungkulan.
“Makakamove on lang tayo kapag nakamtan ang katarungan” aniya ni PNoy. Ang tila pagpaparinig ng Pangulo sa ating Bise Presidente ay naging isyu din. “Pakiramdam yata nila ay nadadaan sa basta basta ang solusyon sa ating mga problema” tugon ng Pangulo. Umabot ng halos dalawang oras ang SONA ni Pangulong Aquino. Marami ang nagsabing tagumpay at naging maayos naman ang paghahanda nito. Ngunit hindi pa rin maiiwasan ang sunod sunod na pagrereklamo at opinyon ng mga manonood sa mga naganap dahil sinasabi nilang sila ay nabitin at hindi nakumbinsi dito.