top of page

ISPORTS EDITORYAL

Pacquiao sa senado

Franz Embudo

 

Tinuldukan na ni Pambansang Kamao at Sarangani Representative Manny Pacquiao ang usap usapang pagtakbo niya bilang Senador sa 2016 election matapos niyang magsumite ng certificate of candidacy o coc sa comelec noong Oktubre 16.

 

Matapos ang tatlong taong pagoopisina sa House of Representatives, susubukan naman ng eight time world boxing tournament champion na si Pacquiao na pasukin ang mundo ng Senado sa darating na halalan. Hindi naging balakid ang mga binabato sa kanyang isyu tulad ng isa siya sa may pinakamaraming pagliban sa opisina bilang Congressman at ang kakulangan sa kaalaman para sa posisyon upang pigilan ang kanyang adhikaing maglingkod para sa bayan.

 

Dahil sa pangarap na ito, magiging pinto na kaya ito nang kanyang pagreretiro sa pagboboksing? Ito na rin kaya ang simula ng kanyang kampanya para sa pagtakbo naman sa pagkapangulo balang araw? Ang mga kasagutan ay nakasalalay pa rin sa kanyang mga kamay kung ipagpapatuloy niya ang kanyang nasimulan.

 

Isang boksingero, propesyonal na basketball player, Gospel preacher, negosyante, naglilingkod bayan, artista, at ama. Iyan si Pacquiao. Tila pinasok na niya ang lahat ng karera na mayroon ang mundong ito. Maging hadlang kaya ito sa isang daang porsiyentong pagtugon sa bawat larangang kanyang nilalakaran? Parang sa mga teleserye lang, abangan na lamang natin ang mga susunod na pangyayari.

 

Hindi mo kailangang maging sobrang talino para makapaglingkod at baguhin ang maling sistema ng bansa. Kailangan mo lang ng malasakit sa kapwa at malawak na pagunawa.

© 2023 by WRITERS INC. Proudly created with Wix.com

  • facebook-square
  • Twitter Square
bottom of page