top of page

Roxas, itinanggi ang pagkalat ng balitang may cancer si Duterte

Crysalie Montalbo

 

Itinanggi ni Liberal Party standard-bearer Mar Roxas noong Sabado na may kinalaman siya sa pagkalat ng balitang may throat cancer si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

 

Ayon kay Roxas, ang dalawa sa miyembro ng kanyang pamilya ay naging biktima din ng kanser kaya hindi niya hiniling kailanman na magkaroon ng cancer si Duterte lalo na’t kaibigan niya ang nasabing mayor.

 

“I have always subscribed to the principle that how you campaign is how you will govern. Ang pinaglalaban dito ay ang pagpapatuloy at palalawakin ang Daang Matuwi, hindi ang paglibak sa katunggali.” giit pa niya.

 

Sa panayam sa radyo noong Biyernes, winakasan na ni Duterte ang isyung siya ay tatakbo bilang Presidente matapos hindi maghain ng certificate of candidacy sa huling araw ng pagpapatala sa Commission on Election.

 

Dagdag pa nito ay ang paglabas ng sama ng loob sa kampo ni Roxas na di umano’y nagpapakalat ng balita siya ay may karamdaman. Ayon kay Duterte, masama ang loob ng kanyang pamilya dahil sa pagpapakalat ng naturang balita na di umano’y hindi pala siya ang maysakit kundi ang kanyang maybahay.

 

Ngunit nilinaw naman ng Daang Matuwid na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan ang magkaibigan.

© 2023 by WRITERS INC. Proudly created with Wix.com

  • facebook-square
  • Twitter Square
bottom of page