Belmonte, nakisimpatya sa pagkamatay ni dating Senador Joker Arroyo
Crysalie Montalbo
Noong Miyerkules, Oktubre 7, 2015, nagbigay ng simpatya ang House Speaker Feliciano Belmonte Jr. sa pagkamatay ng dating senador na si Joker Arroyo, na tinawag niyang “diligent member of the House” sa loob ng siyam na taon at “bold prosecutor” noong impeachment trial ng dating Pangulong Joseph Estrada.
Sa edad na 88, namatay si Arroyo noong Oktubre 5, 2015 matapos ang hindi matagumpay na operasyon sa puso sa Estados Unidos ayon sa kanyang kaibigan na si dating Senador Rene Saguisag.
Ayon kay Belmonte, noong senador pa ito ay tumanggi si Arroyo na gamitin ang pera ng publiko papunta ng ibang bansa kahit ito ay kabilang pa sa mga komite tulad ng Blue Ribbon, Justice and Human Rights.
“In his many years in public service, Joker led a life courage and humility that inspired many,” sabi ni Belmonte.
Dagdag pa nito, nagpapasalamat sila sa malalim na dedikasyon niya sa Pilipinas bilang tagapaglingkod sa publiko at talagang hindi nila makakalimutan ang pagiging aktibo at ang katapangan nito.