Sa Tamang Panahon
Crysalie Montalbo
Hindi na bago sa atin ang paghahanap ng kasiyahan sa maraming bagay. Marahil na rin ay dahil ang kasiyahan ay mananatiling kasiyahan. Bahagi na ng ating buhay ang gumawa ng paraan upang ngumiti. At isa pa, para makawala din sa dami ng problema sa pang araw-araw na buhay.
Isa sa mga kinikilalang tambalan ngayon ay ang Aldub. Sila ay napapanood sa noontime variety show Eat Bulaga! . Ang Aldub ay nagmula sa dalawang karakter na si Alden Richards at si Yaya Dub (Maine Mendoza).
Nagsimula ang nakakakilig na tambalan sa mismong prgrama.
Inimbitahan si Alden ng Eat Bulaga! upang maging host sa dalawang segment tulad ng “Pak na Pak” at nagging “That’s my Bae” kasama ang Indian-Filipino radio disc jockey Sam YG. Pagkalipas ng ilang buwan, si Maine Mendoza na kinilala bilang Dubsmash Queen dahil sa kanyang mga Dubsmash videos ay nakuha niya ang atensiyon ng producer ng programa. Isinali siya sa kilalang segment ng Eat Bulaga! na “Juan for All, All for Juan” bilang yaya ni Lola Nidora (Wally Bayola). Ang kanyang paraan ng pakikipagkomunikasyon ay sa paraang paano din siya sumikat, ang pagdadub. Noong Hulyo 16, 2015, tila nag-iba na ang daloy ng nabanggit na segment dahil nahuling kinikilig ang aktres nang ipinakita sa split screen si Alden.
Nagtuloy-tuloy ito hanggang sa nagkaroon na ng “Kalyeserye” na kung saan ay 30-45 minutong soap opera na pinagbibidahan ng nasabing tambalan. Nakakatanggap din ito ng mahigit milyong tweets mula sa AldubNation o ang mga sumusuporta sa tambalang ito.
Hindi makakalimutan sa “Kalyeserye” ang pagbibigay ng mga payo ni Lola Nidora lalo na ang “tamang panahon”. Maganda ang programa dahil nagtuturo ito lalo na sa mga kabataan kung paano hintayin ang mga bagay bagay at maging matalino sa pagdedesisyon upang hindi mapahamak.
Nakakakilig ang kanilang tambalan at higit sa lahat, bago mo patayin ang telebisyon ay talagang maraming aral ang nakuha mo dito. Sa kabuuan, may mga programa pa din na may magandang impluwensya. Higit sa lahat, sa loob ng ilang minto ay mapapasaya ka at mag-iiwan ng ngiti sa iyong labi.