ALAM NIYO BA?
*Boksingerong ipinangalan sa mall.
>Ang pangalan ng mall ay handog sa pagkapanalo ng dating World Heavyweight Champion na si Muhammed Ali sa kanyang laban na ginawa sa Pilipinas noong 1975. Itinayo ito noong 1976 at itinuturing na pinakaunang multi level commercial shopping mall sa Pinas. ALI MALL.
*Manlalarong naging senador.
>Bago pa man mahalal na senador ang mga sikat na baketball player na sina Freddie Webb at Robert "BIG J" Jaworski Sr., nauna na sa kanila si- AMBROSIO PADILLA.
*Unang grandmaster na Pinoy.
>Kung baril barilan ang karaniwang laruan ng isang musmos, piyesa ng chess ang kinagiliwan ni- EUGENE TORRE. Tubong Iloilo, unang Pilipino at Asyano na ginawaran ng titulo bilang International Grandmaster sa edad na 22.
*Boksingerong tagalinis ng sapatos.
>Bago pa man hinangaan ng mga Pilipino ang husay ni Manny Pacquiao sa boksing, alam niyo ba kung sinong Pinoy boxer ang tiningala sa buong mundo na dating tagalinis ng sapatos sa kanyang lalawigan?- GABRIEL "Flash" Florde.
*Unang kampeonato ng Pilipinas sa SEA Games.
>Unang beses pa lang naging overall champion ang Pilipinas sa South East Asian Games. Ito ay noong 2005 kung saan tayo ang host country.