Init ng Taglagas
Jannela Garriel
Batid ng marami na ang taglagas ang pinakamalungkot na panahon ng taon. Napakalamig ng temperature na nagpapahayag na paparating na ang taglamig. Ang mga nahulog na tuyong dahon din ay nagiging isang malaking abala para sa bakuran ng mga tao. Sa kabila ng mga negatibong dulot ng panahon ng taglagas, mayroon pa ring mga bagay na makakapagpatunay na ito ang pinakamasayag parte ng taon. Ang sikat na site na ‘9gag.com’ ay nagbigay ng apat na dahilan kung bakit imbes na ikamuhi ay mahalin ang panahon ng taglagas. Pag-usapan natin at ibahin rin ang pananaw niyo rito.
Maaliwalas sa kagubatan. Marahil ay nagiging perwisyo ang tuyong dahon sa inyong mga bakuran, ngunit hindi sa kagubatan. Makikita mo ang tunay na ganda ng dulot nito sa kapaligiran kapag namasyal ka sa kabutan o kaya sa mga parke kung saan Malaya silang nakakalat. Sa mga palabas na napapanuod at mga librong nababasa natin, usong-uso ang pamamasyal ng mga bidang artista sa parke habang naglalakad ng magka-hawak kamay tuwing taglagas. Dahil aminin man natin o hindi, nagbibigay ng ‘romantic feeling’ ag mga nakakalat na tuyong dahon sa hindi rin malaman na dahilan.
Palaging umuulan kaya’t hindi mo na kailangang gumawa ng kahit ano. Palagi tayong nakararamdam ng hindi maipaliwanag na pagkalungkot at pagkabahal kapag umuulan, ngunit ibahin nating ang mga taong mahilig matulog. Tuwing taglagas, madalas ang pag-ulan kaya’t mas masarap ang tulog natin dahil na rin sa malamig na temperatura. Mas ma-eenjoy din natin ang pamamahinga kapag maulan. Masarap kayang uminom ng mainit na inumin habang pinagmamasdan ang pagpatak ng ulan mula sa bintana.
Maiinit na inumin. Sinasabing mas nagiging in demand ang mga cafés tuwing taglagas at taglamig. Hindi lang dahil sa maiinit na inuming hated ng mga ito, pati na rin ang mainit na pakiramdam na madarama mo sa loob ng mga ito. Kahit sa ating mga tahanan, pwede nating ma-enjoy ang lamig kasama ang ating mga minamahal sa buhay habang sabay na umiinom ng mainit na tsokolate. Para naman sa mga nag-iisa, mas nagkakabuhay ang pait ng kapeng barako.
Pagpalit ng kulay ng mga dahon. Ito na marahil ang pinakamahiwaga at pinakamasayang parte ng taglagas. Kahanga-hanga ang pagpalit-palit ng mga kulay ng mga dahon mula berde, magiging dilaw, kahel at pula. Ngunit ano nga ba ang hiwaga sa likod nito? Tuwing taglagas, umiikli ang araw. Alam naman nating ang chlorophyll ang nagbibigay ng berdeng kulay sa mga dahon a nakukuha ito mula sa sinag ng araw. Dahil nga mas maikli ang oras ng daylight, hindi nakakakuha ng sapat na chlorophyll ang mga dahon dahilan upang magbago ang mga kulay nito sa iba’t ibang shades ng dilaw, kahel, at pula na naroon na mismo sa dahon. At dahil nga rito, unti-unti na rin silang nagsisilagasan mula sa kanilang mga sanga.
Sa kasamaang palad, hindi natin nararanasan ang panahon ng taglagas sa Pilipinas. Kinakailangan pa nating magtungo sa mga bansang temperate. Ngunit ayon na rin sa mga kuwento ukol dito, sasang-ayon tayo na maganda kung magkakaroon din ng ganoon sa ating bansa. Itinuturing man nating pinakamalungkot na panahon ang tagsibol, matututunan naman nating may mga masasayang bagay pa din sa gitna ng kalungkutan at lamig. Napatunayan ng taglagas ang positivity within negativity.